Goodbye Dalisay


Goodbye dalisay



mamimiss ko ang aso kong si dalisay. matapos ang ilang buwan lang ng paglagi sa aming piling, kaninang hapon, e nasagasaan siya ng isang trak ng aming reckless na kapitbahay. naawa talaga ako, kase di man lang umiyak ang tuta. kahit walang dugo, alam kong nahihirapan sya. at kahit hangang ngayon, pag naiisip ko, nanlulomo ako sa nakita ko. kumikisay kisay pa sya at talagang naghihingalo.


naalala ko pa nung dinala yung tuta, e matamlay, pero super cute, maliit at mabait. pinaggastusan ko pa ng gatas at special foods para lalong gumanda. ewan ko ba, mas gusto ko pang kumain si dalisay ng marami kesa sa amin. nitong mga nagdaang araw, matamlay sya, sabi ng nanay ko, baka nakakain ng di natunaw, e, mula kase nung mgalayas yun, itinali na namin, naawa rin ako pero kailangan e. kaninang umaga, pinakawalan ko na ayun, at nakakagulat, malusog na sya.


pero, yun lang pala yun. last day na pala sa amin ni dalisay. hindi ko talaga malimutan, nung kapain ko yung uilo niya, maririnig mo tlaga yung buto...


nakakpanghinayang..pero mamimiss kita dalisay...

Comments

Popular posts from this blog

flip tunes vol. 1

Top 5 Reasons You Shouldn't Eat Too Much Filipino Food

Agunyas sa Hacienda Luisita