welgang bayan

ngayong hapon natapos ang welgang bayan at tigil pasada ng mga grupong transportasyon a dahil ang mga kasapi ng malawakang protesta ay ang mga driver, marami ang mga nagngitngit sa kanilang aksyon na ipagpatuloy ang welgang bayan sa kabila ng pakikpag ayus ng mga major oil players (oil companies) sa tulong na rin ng ltfrb chairperson elena bautista, na mabigyang ng P 0.50 diskwento ang mga tsuper sa kanilang konsumo, ay itinuloy pa rin ng mga ito ang kanilang pagdemonstara ng kanilang mga hinahing ukol sa walang hangang pagtaas ng mga presyo ng produktong gasolina.



sa isang dako naman, ang mga mamamayan na naipit sa welgang bayan ay may ibat ibang sintemyento. ngunit marami sa kanila, ang kanilang general perspective ay di nagtatapos sa isang araw ng walang kabuluhan at nakakaperwisyong tigil pasada. totoo nga naman, lahat halos ng mga sumasakay sa pampublikong dyip at bus ay yaong mga nagtatrabaho(na kasapi ng malawak na denominasyon ng naghihikaos 'isang kahig isang tuka' mamamayan) at ang isang araw na di pagpasok sa kani kanilang mga tarbaho ay isang araw na tag gutom.



kanina nga lang, naririnig ko ang mag kapitbahay namin, nagaargyumento sa sasapitin ng welgang bayan. ang isa nagsabi na tama lang yan, para mapukaw ang damdamin ng mga tao. isa nama'y para makita ni ate glo kung gaano kahirap ang buhay at lalo pa nya itong nasasadlak sa kahirapan. ang isa, na sa tingin ko ay sentimento heneral, na nagngingitngit sa inis, at nagambala pa ang kanyang trabaho. perodapat siguro suriin ang lahat nang angulo at tignan ang ibat ibang panig nang sa gayon, di tayo malunod sa isang kabaliwang papaniwalaan natin.



oo nga, at perwisyo, ngunit nagkaroon ba ng isang kolektibong pagsasapubliko ng kanilang mga hinaing ang mas nakrarami? o talaga ngang iniwan na lang ng mag ito ang gawain sa ibang alternatibong grupo?sa madalit salit, aprehas tayong apektado, magstrike man o hindi. ang dating P1.50 na regular fare (sabi ng nanay), nagyo'y P5.50 na! diba't lahat ay kasama sa probelamang ito? at hindi nagtatapos ang mga lehitimong hinaing na maitago at hayaan ang ibang gumawa.



di ko alam, kung pinatos ng mga grupong piston et al ang kababawan ni ms. bautista. ano ka ba?.50 centavos?san ka akaya paupuntahin nyang? itong mga ganid na kompanyang ito, walang ginawa kundi magpahirap lalo sa kumakalam na at naghihikaos na Pilipino. pero dahil mas malalim ang hinihingi ng mga tsuper(tulad ng pagrollback sa P 15.00 ng gasolina at deegulasyon ng industriya) e, mas matagalan pa ang pangmatagalan at epektibong solusyon. diba't may nagsuggest na isubsidize ng gobyerno ang p[resyo ng langis sa panahon na ang mag presyo sa pandaigdigang kalakalan ay tumaas at magipon ng pambuffer sa presyo sa panahon na mababa ang presyo/ pero asan ang tugon? at nagsisiksik tayo sa kakarampot na alternatibo.



bawat isa ay may kaialangang gawin. kung gusto mo ng pagbabago, simulan mo!!

Comments

Popular posts from this blog

flip tunes vol. 1

Top 5 Reasons You Shouldn't Eat Too Much Filipino Food