Posts

Showing posts from November 28, 2004

cursed recto!!

inayawan ko talaga ang pagpunta sa recto.ung di lang talaga sa ms office, na di ko mabili sa mall(kasehoda ba namang pirated e), e di ako pupunta sa recto. whew, para akong mamamatay, sa tragal ng pagtakbo ng sasakyan, sa usok sa tambutso, sa mga naglalakarang tao. nakakpagod tignan,nasa harap ko ang bag ko, nakakatakot, baka malaslasan ako sabagay wala namang silang mahahagap mula sa akin, pero para safe na rin. naipangako na di na ako pupunta ng recto mula ngayon. sinumpa ko na talaga ang lugar n ayan!!

trios bagyos

walang pasok!!kahapon pa ako nagdadasal na walang pasok sa school. di naman dahil sa tinatamad akong pumasok, pero one thing, dahil masarap lang yung matulog nang nakakumot at lumasap ng mainit na sabaw ng sopas tapos nakadungaw ka lang sa may bintana ng kwarto mo. diba, ang sarap ng pakiramdam. isa yun sa mga dahilan ko, pero sabihin na antin na sinumpong ako ng aking katam. last week, nakapagreview ako para sa recitation namin sa poll sci sub namin, e nabwisit ako at ang ginawa lang ng prof namin e pinagdebate kami kesyo madumi ba ang politika ng pilipinas. e ewan, medyo tinamad ako dahil mas extensive pa yung nabasa ko kesa sa proposition niya. saka passe na yung topic na yun. one thing more, di na naman papasok yung prof namin sa cooperative sub namin. e last time nyang pumasok nung first time nyang pumasok. magulo no? pero tamad talaga sya. pinagagawa na kame kaagad ng written report sa community coopeartives sa mga bayan at mind you, 3 months naming oobserbahan. whew, ewan kung a...

deeply remembered

nov. 30th ng 1997, lingo, di ko masyado maalala ang mga ekstaktong detalye ng mga kaganapan nung araw na yun, basta naalala ko, alas-tres ng hapon at naka flash sa tv monitor ang 3 ocklock habit sa channel 2. basta, medyo gloomy ang sorrounding at parang may gustong sabihin na mensahe. dec 1, kinabukasan, pagkagaling ko ng eskwelahan, naabutan kong lumuluha si mama. kasaama nya ang pinsan ko, parehas silang nakaupo sa balkonahe. madyo nagulihan ako, di ko alam kung bakit ganun ang naabutan ko. tinanaong ko si mama kung bakit. merong kung anong pakiramdam ang nararamdaman ko, di ko alam kung ano, basta, ang alam ko, medyo kinakabahan ako at di ako mapaakali. 'anak, wag kang mabibigla" medyo paungos pang sabi ni mama. nakatingin sa akin si kuya ronel, ang nakatatanda kong pinsan. sandali lang ang tingin nya, at binawi nya ng mabilis ang pagkakatitig sa akin. parang inabot ng habambuhay ang paghihintay ko sa sasabihin ni mama. 'anak, patay na si inay" sabay hagulgul....