trios bagyos

walang pasok!!kahapon pa ako nagdadasal na walang pasok sa school. di naman dahil sa tinatamad akong pumasok, pero one thing, dahil masarap lang yung matulog nang nakakumot at lumasap ng mainit na sabaw ng sopas tapos nakadungaw ka lang sa may bintana ng kwarto mo. diba, ang sarap ng pakiramdam. isa yun sa mga dahilan ko, pero sabihin na antin na sinumpong ako ng aking katam.

last week, nakapagreview ako para sa recitation namin sa poll sci sub namin, e nabwisit ako at ang ginawa lang ng prof namin e pinagdebate kami kesyo madumi ba ang politika ng pilipinas. e ewan, medyo tinamad ako dahil mas extensive pa yung nabasa ko kesa sa proposition niya. saka passe na yung topic na yun. one thing more, di na naman papasok yung prof namin sa cooperative sub namin. e last time nyang pumasok nung first time nyang pumasok. magulo no? pero tamad talaga sya. pinagagawa na kame kaagad ng written report sa community coopeartives sa mga bayan at mind you, 3 months naming oobserbahan. whew, ewan kung ano pa ang gusto nyang pagawa.



may isa pa pala akong dahilan, di ko pa natapos yung pinabuburn nung classmate ko para sa dyowa na ata, e nakapangako ako na by friday ibibigay ko na, kaya lang di ko pa nakukumpleto yung playlist nya, pero ok na, as of this time, naburn ko na, at kanina ko pa lang natapos yung mga downloads ko (thanks goodness to limewire, napaka reliable talaga !)



pero, nakakhabag yung mga nakikita mo sa tv. buong maghapon ata akong nag aabang ng mga balita sa TV, e puro trahedya at sakuna ang inabot ng mga kababayn natin. yung tiyahin ko sa dingalan, aurora, natamaan ng bagsik ni yoyong. di pa tapos yung hirap nila kay violeta at winnie, eto na naman ang mapait na pangyayari. nagtxt sa amin na luluwas daw sila pa maynila at wala nang makain at mahirap daw ang distribution ng mga relief goods. paano pa kaya yung mga nasalanta sa ibang lugar na isolated talaga?tsk tsk, dahil kase sa logging, bat ba naman hindi pa lagyan ng talim ang batas at mahuli at maparusahan ang mga ganid n ayan.



aminado ang tiyahin ko sa dingalan na taalamak ang pagtistis ng mga troso sa kabundukan nila, pero wala silang magawa, wala namnag alternatibong pangkabuhayan ang ibinibigay ang lokal na pamahalaan. sa rodriguez rizal, talamak din ang quarrying, at kinakatakot ng mga mamamayan ang napipintong landslide sa lugar. sa montalban, ang mayor ay inaakusahan na may conspiracy sa mga magtotroso. dapat siguro, patulan na atin yung proposal ni ex senator orly mercado, yung total log ban, na dyaskeng anong troso ang iluwas ay illegal at subjecyt sa parusa ang sinumang makitaan. kaya lang ilang beses napressure ang batas na yan sa kongreso mismo(parang may naamoy ako ha) syempre ba naman, hahayaan ba naman ng mga bwitreng ito ang kanilang personal na agenda? hindi symepre!!



di ko na alam kung paano pa ang magyayari, lumiliit ang bahagdan ng mga kagubatan sa pinas. sa marcos highway lang sa may santolan, makikita mo kung anong itsura ng kalbong sierra madre. sa nueva ecija, kahit makapal pa rin ang puno sa sierra mountain range, e nailinlnag pa rin tayo. di namn talaga safe ang mag puno hindi lang sa magtotroso, pati sa magkakaingin.



kailan pa kaya tayo magigising? siguro pag inanod na tayo ng baha at natabunan ng putik buhat sa nagngingitngit na kagubatan.sa bandang huli tayo pa rin ang dehado.

Comments

Popular posts from this blog

flip tunes vol. 1

Top 5 Reasons You Shouldn't Eat Too Much Filipino Food

Agunyas sa Hacienda Luisita