deeply remembered
nov. 30th ng 1997, lingo, di ko masyado maalala ang mga ekstaktong detalye ng mga kaganapan nung araw na yun, basta naalala ko, alas-tres ng hapon at naka flash sa tv monitor ang 3 ocklock habit sa channel 2. basta, medyo gloomy ang sorrounding at parang may gustong sabihin na mensahe. dec 1, kinabukasan, pagkagaling ko ng eskwelahan, naabutan kong lumuluha si mama. kasaama nya ang pinsan ko, parehas silang nakaupo sa balkonahe. madyo nagulihan ako, di ko alam kung bakit ganun ang naabutan ko. tinanaong ko si mama kung bakit. merong kung anong pakiramdam ang nararamdaman ko, di ko alam kung ano, basta, ang alam ko, medyo kinakabahan ako at di ako mapaakali.
'anak, wag kang mabibigla" medyo paungos pang sabi ni mama. nakatingin sa akin si kuya ronel, ang nakatatanda kong pinsan. sandali lang ang tingin nya, at binawi nya ng mabilis ang pagkakatitig sa akin. parang inabot ng habambuhay ang paghihintay ko sa sasabihin ni mama. 'anak, patay na si inay" sabay hagulgul. di ko ko nakayanan ang pagka bigla, atparang isang pagikot ng mundo ang tumigil sa harap ko mismo, at huminto lahat sa akin. ang pagtakbo ng oras, ang ikot ng daigdig. lahat.
di ko na talaga kaya. napaupo ako, parang lantang gulay, nauupos ang buo kong pagkatao. wlaa na si inay, wala na si inay, patuloy kong binabanggit. di ko alam masama ang loob ko. wala na si inay. hagulgul, iyak bata, yan ang nagawa ko,para akong isdang sisiw na nawaaln ng inahin.
Inay, ang aking lola, matapos ang taong di namin pagkikita, namimimiss ko na sya. di ko maiiwasan ang umiyak minsan, dahil sa mga alalang napagsamahan natin. hindi siguro masama na magkaganito ako dahil sa loob ng mahabang panahon nakasama ko ang paborito kong tao sa mundo(next toi my mama) at lahat ng pinsan ko, klamag anak namin, na ako ang pinakamamahal ni Inay. namimiss ko lahat, ang pagpukpok nya ng nganga, pag hihikuto nya sa akin, ang pagpisil ko sa taangos nyang ilong, ang paghihilod ko sa kanyang likod, ang paghalik ko sa kanyang pisngi, ang pag akay ko sa kanya, ang pakikinig ko ng mga kwentong sya lang ang kayang magkwento. namimiss ko ito lahat...ang lahat.....
kung saan ka aman narororoon, alam mo INAY kung gaano kiota kamahal. di ko mahintay ang panahon na muli tayong magkikita. kailan kaya yun?
Comments